At ngayon, nawa’y ipagkaloob ng Diyos sa kanila, na aking mga kapatid, na sila ay makaupo sa kaharian ng Diyos; oo, at gayon din ang lahat ng yaong bunga ng kanilang pagpapagal upang hindi na sila muling mawala pa, kundi kanilang purihin siya magpakailanman. At nawa’y ipagkaloob ng Diyos na maganap ang naaayon sa aking mga salita, maging tulad ng aking mga sinabi. Amen.