At ito ay nangyari na, na matapos na ang mga tao ni Ammon ay makapanirahan sa lupain ng Jerson, at isa ring simbahan ang naitatag sa lupain ng Jerson, at ang mga hukbo ng mga Nephita ay naitalaga na sa palibot ng lupain ng Jerson, oo, sa lahat ng hangganan sa palibot ng lupain ng Zarahemla; masdan, sinundan ng mga hukbo ng mga Lamanita ang kanilang mga kapatid sa ilang.