Alma 28:4–7, 12

At ngayon ito ay isang panahon na may narinig na masidhing pagdadalamhati at pananaghoy sa lahat ng dako ng buong lupain, sa lahat ng tao ni Nephi— Oo, ang iyakan ng mga balong nagdadalamhati dahil sa kanilang mga asawa, [i]3194[/i] at gayon din ng mga amang nagdadalamhati dahil sa kanilang mga anak na lalaki, at ang mga anak na babae dahil sa kanilang mga kapatid, oo, ang mga magkakapatid dahil sa ama; at sa gayon maririnig ang mga iyak ng pagdadalamhati sa kanilang lahat, nagdadalamhati dahil sa kanilang kaanak na napatay.

At ngayon, tunay na ito’y nakalulungkot na araw; [i]3195[/i] oo, isang panahon ng kahinahunan, at isang panahon ng labis na pag-aayuno at panalangin. At sa gayon nagtapos ang ikalabinglimang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi;


Samantalang ang iba sa maraming libu-libo ay tunay na nagdalamhati dahil sa pagkawala ng kanilang mga kaanak, gayon pa man, sila ay nagsaya at nagpakagalak sa pag-asa, at nalalaman din, ayon sa mga pangako ng Panginoon, na sila ay ibabangon upang mamalagi sa kanang kamay ng Diyos, sa kalagayan ng walang katapusang kaligayahan.

From section: Pagsalakay ng Mga Lamanita

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary