At sa gayon nakikita natin kung gaano kalaki ang di pagkakapantay-pantay ng tao dahil sa kasalanan at paglabag, at ng kapangyarihan ng diyablo, na nagmumula sa pamamagitan ng mga tusong plano na kanyang pinapakana upang masilo ang mga puso ng tao.
At sa gayon nakikita natin ang dakilang panawagan na magsumigasig ang mga tao na gumawa sa mga ubasan ng Panginoon; at sa gayon nakikita natin ang malaking dahilan ng kalungkutan, at gayon din ng pagsasaya—kalungkutan dahil sa kamatayan at pagkalipol ng mga tao, at kagalakan dahil sa liwanag ni Cristo tungo sa pagkabuhay.