Alma 30:1–5

Masdan, ngayon ito ay nangyari na, na matapos na ang mga tao ni Ammon ay makapanirahan sa lupain ng Jerson, oo, at matapos ding maitaboy ang mga Lamanita palabas ng lupain, at ang kanilang mga patay ay nailibing na ng mga tao ng lupain—

Ngayon, ang kanilang mga patay ay hindi mabilang dahil sa kalakihan ng kanilang bilang; ni ang mga patay ng mga Nephita ay mabilang—subalit ito ay nangyari na, matapos nilang ilibing ang kanilang mga patay, at matapos din ang mga araw ng pag-aayuno, at pagdadalamhati, at panalangin, (at ito ay sa ikalabing-anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi) na nagsimulang magkaroon ng patuloy na kapayapaan sa lahat ng dako ng buong lupain.

Oo, at ang mga tao ay ginawang sundin ang mga kautusan ng Panginoon; at sila ay mahigpit sa pagpapatupad ng mga ordenansa ng Diyos, alinsunod sa mga batas ni Moises; sapagkat sila ay tinuruang sundin ang mga batas ni Moises hanggang sa matupad ito.

At sa gayon ang mga tao ay hindi na nagkaroon ng kaguluhan sa buong ikalabing-anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.

At ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikalabimpitong taon ng panunungkulan ng mga hukom, ay nagkaroon ng patuloy na kapayapaan.

From section: Pagsalakay ng Mga Lamanita

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary