Alma 31:3–4,8–10

Ngayon sama-samang tinipon ng mga Zoramita ang kanilang sarili sa lupaing tinawag nilang Antionum, [i]3078[/i] na nasa silangan ng lupain ng Zarahemla, na nasa dako halos sa may hangganan sa may dalampasigan, na nasa timog ng lupain ng Jerson, na nahahangganan din ng timog ilang, kung aling ilang ay puno ng mga Lamanita.

Ngayon, ang mga Nephita ay nangamba nang labis na baka ang mga Zoramita ay pumasok sa isang pakikipag-ugnayan sa mga Lamanita, at na ito ang maging dahilan ng malaking kawalan sa panig ng mga Nephita.


Ngayon, ang mga Zoramita ay mga tumiwalag mula sa mga Nephita; anupa’t sa kanila ay naipangaral na ang salita ng Diyos. Subalit sila ay nahulog sa malalaking kamalian, [i]3077[/i] sapagkat hindi nila ginawang sundin ang mga kautusan ng Diyos, at ang kanyang mga batas, alinsunod sa mga batas ni Moises. Ni ang gawin nila ang mga gawain ng simbahan, na magpatuloy sa panalangin at pagsusumamo sa Diyos sa araw-araw, upang hindi sila mapadala sa tukso.

From section: Misyon sa Antionum

From page: Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Commentary