At ito ay nangyari na, na siya ay tinanggap ng lalaki sa kanyang tahanan; at ang lalaki ay tinatawag na Amulek; at kanyang inilabas ang tinapay at karne at inihain sa harapan ni Alma. [i]2857[/i] At ito ay nangyari na, na si Alma ay kumain ng tinapay at nabusog; [i]2552[/i] at kanyang binasbasan si Amulek at ang kanyang sambahayan, at nagbigay-pasalamat siya sa Diyos.