Ngayon ito ay nangyari na, nang ang mga katawan ng mga yaong itinapon sa apoy ay natupok na, at gayon din ang mga talaang itinapon na kasama nila, ang punong hukom ay dumating at tumindig sa harapan nina Alma at Amulek, habang sila ay nakagapos; at sinampal niya ng kanyang kamay ang kanilang mga pisngi, [i]1613[/i] at sinabi sa kanila:
Matapos ang inyong nakita, kayo ba ay mangangaral na muli sa mga taong ito, upang sila ay itapon sa lawa ng apoy at asupre? Masdan, inyong nakita na kayo’y walang kapangyarihang iligtas ang mga yaong itinapon sa apoy; ni ang iligtas sila ng Diyos dahil sa sila ay inyong kasampalataya.
At muli silang sinampal ng hukom sa kanilang mga pisngi, at nagtanong: [i]2873[/i] [i]2576[/i]
Ano ang masasabi ninyo para sa inyong sarili?
Ngayon, ang hukom na ito ay alinsunod sa orden at pananampalataya ni Nehor, na siyang pumatay kay Gedeon.