At ito ay nangyari na, na matapos silang magdusa nang gayon nang maraming araw, (at ito ay sa ikalabindalawang araw, sa ikasampung buwan, sa ikasampung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi) na ang punong hukom ng lupain ng Ammonihas at marami sa kanilang mga guro at manananggol ay pumasok sa bilangguan kung saan sina Alma at Amulek ay nagagapos ng mga lubid.
At ang punong hukom ay tumindig sa kanilang harapan, at muli silang sinampal, at sinabi sa kanila: [i]1615[/i]
Kung taglay ninyo ang kapangyarihan ng Diyos ay pawalan ninyo ang inyong sarili mula sa pagkakagapos na ito, at sa gayon kami ay maniniwalang lilipulin ng Panginoon ang mga taong ito alinsunod sa inyong mga salita.