[Alma 9:7–30] Nakalimutang Diyos

Masdan, O kayong masasama at balakyot na salinlahi, paanong nakalimutan ninyo ang kaugalian ng inyong mga ama; oo, kaydaling nalimutan ninyo ang mga kautusan ng Diyos. Hindi ba ninyo natatandaan na ang ating ama, si Lehi, ay dinalang palabas ng Jerusalem ng kamay ng Diyos? Hindi ba ninyo natatandaan na kanyang inakay silang lahat sa ilang? At kaydali na ba ninyong nakalimutan kung gaano karaming ulit niyang iniligtas ang ating mga ama mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway, at pinangalagaan sila mula sa pagkalipol, maging sa mga kamay ng kanilang sariling mga kapatid?

From section: Pagpapatuloy sa Pagtuturo

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary