At humayo si Alma, at gayon din si Amulek, sa mga tao, upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa kanila; at napuspos sila ng Espiritu Santo. At may kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila, kung kaya nga’t hindi sila maaaring ikulong sa mga bartolina; ni ang maaari silang mapatay ng sino mang tao; gayon pa man hindi nila ginamit ang kanilang kapangyarihan hanggang sa sila ay igapos ng mga panali at itapon sa bilangguan.
Ngayon, ito ay naganap upang maipakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa kanila. At ito ay nangyari na, na sila ay humayo at nagsimulang mangaral at magpropesiya sa mga tao, alinsunod sa espiritu at kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon.
At muli, ako, si Alma, na napag-utusan ng Diyos na dapat kong isama si Amulek at humayo at muling mangaral sa mga taong ito, o ang mga tao na nasa lunsod ng Ammonihas, ito ay nangyari na, nang magsimula akong mangaral sa kanila, sila ay nagsimulang makipagtalo sa akin, sinasabing:
Sino ka?
Inaakala mo bang kami ay maniniwala
sa patotoo ng isang tao,
bagaman siya ay mangaral sa amin
na ang mundo ay lilipas?
Ngayon hindi nila nauunawaan ang mga salitang sinabi nila; sapagkat hindi nila nalalaman na ang mundo’y lilipas.
At sinabi rin nila:
Hindi kami maniniwala sa iyong mga salita
kung ipopropesiya mong
mawawasak ang
dakilang lunsod na ito sa isang araw.
Ngayon hindi nila nalalaman na ang Diyos ay makagagawa ng gayong mga kagila-gilalas na gawa, sapagkat sila ay mga taong matitigas ang puso at matitigas ang leeg.
At sinabi nila:
Sino ang Diyos,
na nagsugo ng may karapatan na hindi hihigit
kaysa sa isang tao sa mga taong ito,
upang ipahayag sa kanila ang katotohanan
ng gayong kadakila at mga kagila-gilalas na bagay?
At nagsilapit sila upang ako ay pagbuhatan ng kanilang mga kamay; subalit masdan, hindi nila nagawa. At tumindig ako nang buong katapangan upang magpahayag sa kanila, oo, buong tapang akong nagpatotoo sa kanila, sinasabing:
Ngayon ito ay nangyari na, nang ako, si Alma, ay nangusap ng mga salitang ito, masdan, ang mga tao ay napoot sa akin sapagkat sinabi ko sa kanila na sila ay mga taong matitigas ang puso at matitigas ang leeg.
At gayon din sapagkat sinabi ko sa kanila na sila ay nangaligaw at mga na hulog na tao sila ay nagalit sa akin, at naghangad na pagbuhatan ako ng kanilang mga kamay, upang kanilang maitapon ako sa bilangguan. Subalit ito ay nangyari na, na sila ay hindi pinahintulutan ng Panginoon na madakip ako sa panahong yaon at maitapon ako sa bilangguan.
At ito ay nangyari na, na si Amulek ay humayo at tumindig, at nagsimulang mangaral din sa kanila. At ngayon, ang mga salita ni Amulek ay hindi nasusulat na lahat, gayon pa man isang bahagi ng kanyang mga salita ay nasusulat sa aklat na ito.
Ngayon ito ang mga salitang ipinangaral ni Amulek sa mga tao na nasa lupain ng Ammonihas, sinasabing:
At ngayon, nang sabihin ni Amulek ang mga salitang ito, ang mga tao ay nagsimulang manggilalas, nakikitang may higit pa kaysa sa isang saksi na nagpatotoo sa mga bagay ng yaong sa kanila ay ipinararatang, at gayon din sa mga bagay na darating, alinsunod sa diwa ng propesiya na nasa kanila.
Gayon pa man, may ilan sa kanila ang nagbalak na tanungin sila, na sa pamamagitan ng kanilang mga tusong pamamaraan ay baka sakaling kanilang mahuli sila sa kanilang mga salita, upang sila ay makakuha ng patunay laban sa kanila, nang kanilang madala sila sa kanilang mga hukom upang sila ay mahatulan alinsunod sa batas, at upang sila ay mapatay o maitapon sa bilangguan, alinsunod sa mabigat na kasalanang magagawa nilang maipakita o mapatunayan laban sa kanila.
Ngayon, ito yaong mga taong naghahangad na lipulin sila, yaong mga manananggol, na mga inupahan o hinirang ng mga tao na magpatupad ng batas sa panahon ng kanilang mga paglilitis, o sa mga paglilitis ng mabibigat na kasalanan ng mga tao sa harapan ng mga hukom.
Ngayon, ang mga manananggol na ito ay marunong sa lahat ng pamamaraan at katusuhan ng mga tao; at ito ay upang matulungan sila na maging bihasa sa kanilang tungkulin. At ito ay nangyari na, na sinimulan nilang tanungin si Amulek, upang magawa nilang lituhin siya sa kanyang mga salita, o salungatin ang mga salitang sasabihin niya.
Ngayon hindi nila nalalaman na maaaring malaman ni Amulek ang kanilang mga balak. Subalit ito ay nangyari na, nang simulan nilang tanungin siya, na nahiwatigan niya ang kanilang mga iniisip, at sinabi niya sa kanila:
At ngayon ito ay nangyari na, na ang mga tao ay lalong nagalit kay Amulek, at sila’y nagsigawan, sinasabing:
Nilalait ng taong ito ang ating mga batas na makatarungan,
at ang ating matatalinong manananggol na pinili natin.
Subalit iniunat ni Amulek ang kanyang kamay, at sumigaw nang higit na malakas kaysa sa kanila, sinasabing:
O kayong masasama at balakyot na salinlahi, bakit may malakas na pagkakahawak si Satanas sa inyong mga puso? Bakit ninyo ipinasailalim ang inyong sarili sa kanya upang siya ay magkaroon ng kapangyarihan sa inyo, na bulagin ang inyong mga mata, kung kaya’t hindi ninyo maunawaan ang mga salitang sinabi, alinsunod sa katotohanan ng mga ito?
Sapagkat masdan, ako ba ay nagpatotoo laban sa inyong batas? Kayo ay hindi nakauunawa; sinasabi ninyo na ako ay nangusap laban sa inyong batas; subalit hindi ko ginawa ang gayon, kundi ako’y nangusap sang-ayon sa inyong batas, tungo sa inyong pagkasumpa.
At ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo, na ang saligan ng pagkalipol ng mga taong ito ay nagsisimula nang ilatag ng mga kasamaan ng inyong mga manananggol at inyong mga hukom.
At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Amulek ang mga salitang ito na ang mga tao ay nagsigawan laban sa kanya, sinasabing:
Ngayon nalalaman namin na ang taong ito ay anak ng diyablo, sapagkat siya ay nagsinungaling sa atin; sapagkat siya ay nangusap laban sa ating batas. At ngayon sinasabi niyang siya ay hindi nangusap laban dito. At muli, kanyang nilait ang ating mga manananggol, at ang ating mga hukom.
At ito ay nangyari na, na inilagay ng mga manananggol sa kanilang mga puso na dapat nilang tandaan ang mga bagay na ito laban sa kanya. At may isa sa kanila na ang pangalan ay Zisrom. Ngayon, siya ang nangunguna sa pagpaparatang kina Amulek at Alma, siya na isa sa pinakabihasa sa kanila, na may maraming gawaing ginagawa sa mga tao.
Ngayon, ang layunin ng mga manananggol na ito ay upang makinabang; at sila ay kumikita alinsunod sa kanilang upa.
Ngayon, ito ay para sa natatanging layunin na makinabang, dahil sa tinatanggap nila ang kanilang kabayaran alinsunod sa kanilang gawain, kaya nga, kanilang pinupukaw ang mga tao sa panliligalig, at sa lahat ng uri ng panggugulo at kasamaan, upang sila ay magkaroon ng marami pang gawain, upang sila ay makakuha ng salapi alinsunod sa mga sakdal na dinadala sa harapan nila; anupa’t kanilang pinupukaw ang mga tao laban kina Alma at Amulek.