Gayon pa man, sa kabila ng lahat ng ito, kailanman ay hindi ko nalaman ang marami sa mga pamamaraan ng Panginoon, at ang kanyang mga hiwaga at kagila-gilalas na kapangyarihan. Nasabi kong kailanman ay di ko nalaman ang marami sa mga bagay na ito; subalit masdan, ako ay nagkamali, dahil sa nakita ko ang marami sa kanyang mga hiwaga at ang kanyang kagila-gilalas na kapangyarihan; oo, maging sa pangangalaga sa buhay ng mga taong ito.