Ngayon nais kong inyong tandaan na habang ang mga Lamanita ay hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos, sila ay inihiwalay mula sa harapan ng Panginoon. Ngayon ating nakikita na ang salita ng Panginoon sa bagay na ito ay napatunayan na, at ang mga Lamanita ay inihiwalay mula sa kanyang harapan, mula pa sa simula ng kanilang pagkakasala sa lupain.
Gayon pa man sinasabi ko sa inyo, na higit na mababata nila ang araw ng paghuhukom kaysa sa inyo, kung kayo ay mananatili sa inyong mga kasalanan, oo, at maging higit na mababata nila ang buhay na ito kaysa sa inyo, maliban kung kayo ay magsisi.