Subalit iniunat ni Amulek ang kanyang kamay, at sumigaw nang higit na malakas kaysa sa kanila, sinasabing: [i]2555[/i]
O kayong masasama at balakyot na salinlahi, bakit may malakas na pagkakahawak si Satanas sa inyong mga puso? Bakit ninyo ipinasailalim ang inyong sarili sa kanya upang siya ay magkaroon ng kapangyarihan sa inyo, na bulagin ang inyong mga mata, kung kaya’t hindi ninyo maunawaan ang mga salitang sinabi, alinsunod sa katotohanan ng mga ito?
Sapagkat masdan, ako ba ay nagpatotoo laban sa inyong batas? Kayo ay hindi nakauunawa; sinasabi ninyo na ako ay nangusap laban sa inyong batas; subalit hindi ko ginawa ang gayon, kundi ako’y nangusap sang-ayon sa inyong batas, tungo sa inyong pagkasumpa.
At ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo, na ang saligan ng pagkalipol ng mga taong ito ay nagsisimula nang ilatag ng mga kasamaan ng inyong mga manananggol at inyong mga hukom.