Subalit dahil sa mga panalangin ng mabubuti kung kaya’t kayo’y naligtas; ngayon samakatwid, kung inyong itataboy ang mabubuti mula sa inyo sa gayon ay hindi pipigilan ng Panginoon ang kanyang kamay; kundi sa kanyang masidhing galit siya ay paparito laban sa inyo; pagkatapos kayo’y babagabagin sa pamamagitan ng taggutom, at sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng espada; at ang panahon ay nalalapit na maliban kung kayo’y magsisisi.