Alma 9:31–33

Ngayon ito ay nangyari na, nang ako, si Alma, ay nangusap ng mga salitang ito, masdan, ang mga tao ay napoot sa akin sapagkat sinabi ko sa kanila na sila ay mga taong matitigas ang puso at matitigas ang leeg.

At gayon din sapagkat sinabi ko sa kanila na sila ay nangaligaw at mga na hulog na tao sila ay nagalit sa akin, [i]1598[/i] at naghangad na pagbuhatan ako ng kanilang mga kamay, upang kanilang maitapon ako sa bilangguan. Subalit ito ay nangyari na, na sila ay hindi pinahintulutan ng Panginoon na madakip ako sa panahong yaon at maitapon ako sa bilangguan.

From section: Pagpapatuloy sa Pagtuturo

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary