Ngayon masdan, ito ang tinig ng anghel, na nananawagan sa mga tao. At ngayon, mga minamahal kong kapatid, sapagkat kayo ay aking mga kapatid, at kayo ay nararapat na mahalin, at kayo ay nararapat na gumawa ng mga gawang karapat-dapat sa pagsisisi, nakikita na ang inyong mga puso ay labis na naging matitigas laban sa salita ng Diyos, at nakikita na kayo ay isang nangaligaw at mga na hulog na tao.