[Alma 10:17–23] Panawagan sa pagsisisi

At ngayon sinasabi ko sa inyo na tama lamang na hatulan ng Panginoon ang inyong kasamaan; tama na siya’y magpahayag sa mga taong ito, sa pamamagitan ng tinig ng kanyang mga anghel:

Magsisi kayo, magsisi, sapagkat ang kaharian ng langit ay nalalapit na. Oo, tama na siya ay magpahayag, sa pamamagitan ng tinig ng kanyang mga anghel na: Ako ay mananaog sa aking mga tao, dala ang katarungan at katwiran sa aking mga kamay.

From section: Pagpapatuloy sa Pagtuturo

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary