Alma 12:2–6

Ngayon, ang mga salitang sinabi ni Alma kay Zisrom ay narinig ng mga tao sa palibot; sapagkat ang mga tao ay napakarami, at siya ay nagsalita sa ganitong paraan: [i]2563[/i] [i]1605[/i]

Ngayon Zisrom, nakita mo na ikaw ay nahuli sa iyong mga kasinungalingan at katusuhan, sapagkat ikaw ay nagsinungaling hindi lamang sa mga tao, kundi ikaw ay nagsinungaling sa Diyos; sapagkat masdan, nalalaman niya ang lahat ng iyong iniisip, at iyong nakita na ang nasasaisip mo ay nagawang ipaalam sa amin ng kanyang Espiritu;

At nakita mong alam namin na ang iyong balak ay isang napakatusong balak, katulad ng katusuhan ng diyablo, upang magsinungaling at linlangin ang mga taong ito nang sila’y mamuhi laban sa amin, upang kami ay laitin at upang kami ay maitaboy—

Ngayon, ito ang balak ng iyong kaaway, at kanyang ginagamit ang kanyang kapangyarihan sa iyo. Ngayon, nais kong iyong pakatandaan na kung ano ang sinasabi ko sa iyo ay sinasabi ko sa lahat.

At masdan, sinasabi ko sa inyong lahat na ito ay isang patibong ng kaaway na kanyang inilatag upang mahuli ang mga taong ito, nang kayo ay mapasailalim sa kanya, upang maigapos niya kayo ng kanyang mga tanikala, nang maitanikala niya kayo sa walang hanggang pagkawasak, alinsunod sa kapangyarihan ng kanyang pagkabihag.

From section: Mga Turo ni Alma

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary