Ang Mga Turo ni Alma sa Mga Zoramita

Para sa Nagsisisi

Alma 32:8-11
Ang mga mapagpakumbaba ang puso ay pinagpapala; iniisip niyo ba na kayo ay makasasamba lamang sa Diyos ng isang beses isang linggo sa loob ng mga sinagoga?
Alma 32:12
Ang pagpapakumbaba ay nagdadala sa karunungan; ang kahirapan ay nagdadala sa pagpapakumbaba.
Alma 32:13
Ang mapagpakumbaba ay naghahangad na magsisi, at ang nagsisisi ay nakasusumpong ng awa at kaligtasan.
Alma 32:14
Sila na mga nagpapakumbaba dahil sa kinakailangan ay pinagpapala, subalit mas pinagpala sila na kusang nagpapakumbaba ng kanilang sarili dahil sa salita.
Alma 32:15
Ang mga kusang nagpapakumbaba ay mas pinagpapala kaysa sa mga yaong nagpapakumbaba dahil sa kinakailangan.
Alma 32:16
Pinagpala ang mga yaong naniniwala na walang pangmamatigas, at naniniwala na hindi pinipilit sa kaalaman.
Alma 32:17-18
Ang mga humahanap ng palatandaan ay hindi umaakma sa pananampalataya; mapawawalang-saysay ng kaalaman ang pagkakaroon ng paniniwala.
Alma 32:19-20
Ang kaalaman, na iba sa paniniwala, ay dumarating na may higit na pananagutan at mga inaasahang gawa.

Pag-unawa sa Pananampalataya

Alma 32:21
Ang pananampalataya ay hindi pagkakaroon ng ganap na kaalaman; ang may pananampalataya ay umaasa para sa mga hindi nakikita—subalit mga totoong—bagay.
Alma 32:22
Ang Diyos ay nagnanais at maawain sa mga naniniwala sa kanya.
Alma 32:23
Ibinabahagi ng Diyos ang kanyang salita sa pamamagitan ng mga anghel sa mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata.
Alma 32:24
Hindi ipinakakahulugan ni Alma na hatulan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng anumang hindi makatotohanang pamantayan.
Alma 32:25
Hindi lahat ng mga mahihirap ay napipilitang magpakumbaba; marami sa kanila ang kusang nagpapakumbaba kahit sa ibang mga katayuan.
Alma 32:26
Ang katotohanan sa mga salita ni Alma ay tiyak na hindi malalaman sa una, sapagkat ang pananampalataya ay iba sa pagkaalam.
Alma 32:27
Ang pagnanais na maniwala, o ang bahagyang pananampalataya, ay magpapasimula ng pagsubok sa mga salita ni Alma.

Ang Salita Bilang Binhi

Alma 32:28
Ang salita ay inihalintulad sa isang binhi, na itinanim sa iyong puso, na lumalaki, nagliliwanag, at nagiging masarap.
Alma 32:29
Bagaman hindi isang ganap na kaalaman, ang prosesong ito ay makapagdadagdag ng pananampalataya.
Alma 32:30
Ang binhi ay makikilala bilang mabuti, at nagpapatibay ng pananamapalataya, at ang kaalaman sa kabutihan ng binhi ay natatanggap.
Alma 32:31–32
Ang kaalaman sa pagiging mabuti ng binhi ay isang uri ng kasiguruhan.
Alma 32:33
Ang kaalaman sa kabutihan ay nagiging sanhi ng pagsubok sa salita.
Alma 32:34
Ang ganap na kaalaman sa mga epekto at sanhi ng pagtatanim ng binhi ay produkto ng naliwanagang pangunawa, at pinalawak na kaisipan.
Alma 32:35
Ang pansariling kaliwanagan na natanggap sa pamamagitan ng ganitong proseso ay isang nakikilalang katotohanan.

Tungo sa Puno ng Kaalaman

Alma 32:36
Hindi ito ang katapusan; ang pananampalataya ay kinakailangan parin sa kabila ng pagkakakilala na ang binhi ay mabuti.
Alma 32:37
Habang ang binhi ay lumalaki patungo sa isang pagiging puno, kinakailangan nito ang pangangalaga upang ito ay magkaugat at magbunga.
Alma 32:38
Ang pagpapabaya sa puno ang pipigil rito para magkaugat, at magiging dahilan ng pagkatuyo at pagkamatay nito.
Alma 32:39
Ang kamatayan ng puno--at ang kaakibat na pagkawala ng bunga--ay hindi isang nauugnay sa kalidad ng binhi, subalit isang sanhi ng isang tigang na lupa at kawalan ng pangangalaga.
Alma 32:40
Ang pagkalingat sa pangangalaga sa salita ang dahilan upang hindi makapag-ani ng bunga ng puno ng buhay.
Alma 32:41
Isang maingat, at matiyagang pagbibigay pansin sa puno habang ito ay lumalaki ay magiging dahilan upang ito ay lumago patungo sa walang-hanggang buhay.
Alma 32:42
Isang masigasig na pangangalaga sa puno ang magiging sanhi para ito ay magkaugat at magdala ng mahahalagang bunga, na kung magpapakabusog dito ay siyang mapapawi sa lahat ng gutom at uhaw.
Alma 32:43
Ang pagsusumigasig, pagtiyatiyaga, at mahabang pagtitiis ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pag-ani ng bunga ng puno.

Pagsamba ng Lihim

Alma 33:1
Nang marinig ang mga salita ni Alma, nagnais ang mga tao na malaman kung paano maisasakatuparan ang mga katuruan ni Alma tungkol sa paniniwala, pananampalataya, at pagtanggap sa bunga.
Alma 33:2
Si Alma ay tumugon sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na hindi nila nauunawaan ang mga banal na kasulatan kung pinaniniwalaan nila na ang pagsamba ay nangyayari lamang sa loob ng sinagoga.
Alma 33:3–12
Pinaalalahanan sila ni Alma ng mga salita ni Zenos, na nagturo na ang Diyos ay maawain sa mga yaong sumasamba ng lihim.

Ang Anak ng Diyos

Alma 33:12–14
Itinuro ni Zenos na iwinaksi ng Diyos ang kanyang kahatulan dahil sa kanyang Anak.
Alma 33:15–17
Itinuro ni Zenok na ang Panginoon ay nagagalit sa mga taong ito dahil tinanggihan nilang unawain ang kanyang awa.
Alma 33:19
Itinuro rin ni Moises ang tungkol sa Anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagtataas ng isang kahalintulad sa ilang.
Alma 33:20
Kakaunti sa mga tao ang nakaunawa sa panghahalintulad ni Moises, at ang nakagagaling nitong kapangyarihan, at hindi naniwala dahil sa kanilang matigas na mga puso.
Alma 33:21
Kung ang kagalingan ay dumarating sa pamamagitan ng simpleng paglingon, kayo ba ay magsisilingon at gumaling, o hindi maniniwala at masawi?
Alma 33:22
Kung kayo ay may pagkiling na gumaling, kung gayon ay maniwala sa Anak ng Diyos, kanyang pagbabayad-sala, kanyang pagkabuhay na mag-uli, at kanyang nakapagliligtas na kapangyarihan.
Alma 33:23
Itanim ang salitang ito sa inyong mga puso, pangalagaan ito, at ito ay magiging isang punongkahoy na sumisibol tungo sa buhay na walang hanggan, nagkakaloob sa inyo ng kagalakan sa Anak ng Diyos.