Alma 32:30

Ngunit masdan, habang ang binhi ay lumalaki at sumisibol, at nagsisimulang tumubo, kung magkagayon ay talagang sasabihin ninyo na ang binhi ay mabuti; sapagkat masdan, ito ay lumalaki at sumisibol, at nagsisimulang tumubo. [i]1657[/i] At ngayon, masdan, ito ba ay hindi makapagpapalakas sa inyong pananampalataya? Oo, ito ay makapagpapalakas sa inyong pananampalataya sapagkat inyong sasabihin na alam kong ito ay isang mabuting binhi; sapagkat masdan, ito ay sumisibol at nagsisimulang tumubo.

From section: Ang Salita Bilang Binhi

From page: Ang Mga Turo ni Alma sa Mga Zoramita

Commentary