At si Zisrom ay nagsimulang magtanong nang buong sigasig sa kanila, upang kanyang malaman pa ang hinggil sa kaharian ng Diyos. At sinabi niya kay Alma: [i]2564[/i]
Ano ang ibig sabihin ng sinabing ito ni Amulek hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, na ang lahat ay magbabangon mula sa patay, kapwa ang makatarungan at hindi makatarungan ay dadalhin upang tumayo sa harapan ng Diyos upang hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa?