Alma 12:19–21

Ngayon, ito ay nangyari na, nang matapos na si Alma ng pagsasalita ng mga salitang ito, ang mga tao ay nagsimulang lalong manggilalas;

Subalit may isang Antionas, na siyang punong tagapamahala sa kanila, na lumapit at nagsabi sa kanya: [i]2565[/i]

Ano itong sinabi mo na ang tao ay magbabangon mula sa pagkamatay at mababago mula sa pagiging may kamatayan tungo sa walang kamatayang kalagayan, na ang kaluluwa ay hindi kailanman mamamatay?

Ano ang ibig sabihin ng banal na kasulatan, na nagsasabing ang Diyos ay naglagay ng mga querubin at isang nagbabagang espada sa silangan ng halamanan ng Eden, at baka ang ating mga unang magulang ay makapasok at makakain ng bunga ng punungkahoy ng buhay, at mabuhay magpakailanman? At sa gayon nakikita natin na walang pagkakataon na sila ay mabuhay magpakailanman.

From section: Mga Turo ni Alma

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary