Alma 14:2–4

Subalit ang nakararami sa kanila ay nagnais na kanilang mapatay sina Alma at Amulek; [i]2569[/i] sapagkat sila ay nagalit kay Alma, [i]2867[/i] dahil sa kalinawan ng kanyang mga salita kay Zisrom; at sinabi rin nilang si Amulek ay nagsinungaling sa kanila, at nilait ang kanilang batas at gayon din ang kanilang mga manananggol at hukom.

At sila rin ay nagalit kina Alma at Amulek; at dahil sa sila ay nagpatotoo nang napakalinaw laban sa kanilang kasamaan, hinangad nilang patayin sila nang palihim. Subalit ito ay nangyari na, na ito ay hindi nila nagawa; kundi kanilang dinakip sila at iginapos sila ng matitibay na lubid, [i]1607[/i] [i]2868[/i] at dinala sila sa harapan ng punong hukom ng lupain. [i]2570[/i]

From section: Paglilitis Kay Alma at Amulek at Pagbitay sa Mga Mananampalataya

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary