Alma 39:1–4

At ngayon, aking anak na lalaki, kahit paano, ako ay may higit pang sasabihin sa iyo, kaysa sa sinabi ko sa iyong kapatid; [i]3097[/i] sapagkat masdan, hindi mo ba napuna ang katatagan ng iyong kapatid, ang kanyang katapatan, at ang kanyang pagsusumigasig sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos? Masdan, siya ba ay hindi nagbigay ng magandang halimbawa sa iyo?

Sapagkat hindi mo binigyan ng higit na pansin ang aking mga salita, kagaya ng iyong kapatid, sa mga tao ng mga Zoramita. [i]1669[/i] Ngayon, ito ang nasasaloob ko laban sa iyo; ikaw ay patuloy na nagmamalaki sa iyong lakas at sa iyong karunungan.

At hindi lamang ito, anak ko, iyong ginawa yaong nakasasakit sa akin, sapagkat iyong tinalikuran ang ministeryo, at nagtungo sa lupain ng Siron sa mga hangganan ng mga Lamanita sa pagsunod sa patutot na si Isabel. Oo, kanyang naakit ang mga puso ng marami; ngunit ito ay hindi sapat na dahilan para sa iyo, anak ko. Dapat na nagsilbi ka sa ministeryo na siyang ipinagkatiwala sa iyo.

From section: Ang Pagkakasala ni Korianton

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary