Alma 40:11–12

Ngayon, hinggil sa kalagayan ng kaluluwa sa pagitan ng kamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli—Masdan, ipinaalam sa akin ng isang anghel, na ang espiritu ng lahat ng tao matapos na sila ay lumisan sa katawang mortal na ito, oo, ang espiritu ng lahat ng tao, maging sila man ay mabuti o masama, ay dadalhin pabalik sa Diyos na sa kanila ay nagbigay-buhay.

At sa gayon ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng yaong mabubuti ay tatanggapin sa kalagayan ng kaligayahan, na tinatawag na paraiso, isang kalagayan ng pamamahinga, isang kalagayan ng kapayapaan, kung saan sila ay mamamahinga mula sa kanilang mga suliranin at sa lahat ng alalahanin at kalungkutan.

From section: Ang Muling Pagkabuhay

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary