At sa gayon, ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng makasalanan, oo, yaong masasama—sapagkat masdan, sila ay walang bahagi o kahati sa Espiritu ng Panginoon; sapagkat masdan, pinili nila ang masasamang gawain sa halip na mabuti; anupa’t ang espiritu ng diyablo ay pumasok sa kanila, at inangkin ang kanilang tahanan—at sila ay itatapon sa labas na kadiliman; at magkakaroon ng pagtangis, at panaghoy, at pagngangalit ng mga ngipin, at ito ay dahil sa kanilang sariling kasamaan, palibhasa’y naakay sa pagkabihag ng kagustuhan ng diyablo.
Ngayon, ito ang kalagayan ng mga kaluluwa ng masasama, oo, sa kadiliman, at isang kalagayang kakila-kilabot, nahihintakutan ang anyo dahil sa nag-aapoy na pagngingitngit ng poot ng Diyos sa kanila; sa gayon sila mamamalagi sa ganitong kalagayan, gayundin ang mabubuti sa paraiso, hanggang sa panahon ng kanilang pagkabuhay na mag-uli.