Alma 40:15–16

Ngayon, may ilan na ang pagkakaunawa na itong kalagayan ng kaligayahan at itong kalagayan ng kalungkutan ng kaluluwa, bago ang pagkabuhay na mag-uli, ang siyang unang pagkabuhay na mag-uli. Oo, inaamin ko na ito ay maaaring taguriang pagkabuhay na mag-uli, ang pagbabangon ng espiritu o ng kaluluwa at ang kanilang pagkakatalaga sa kaligayahan o kalungkutan, ayon sa mga salitang winika.

At masdan, muli ito ang winika, na may unang pagkabuhay na mag-uli, isang pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng nabuhay na noon, o ng mga nabubuhay ngayon, o ng mga mabubuhay pa lamang hanggang sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo mula sa patay.

From section: Ang Muling Pagkabuhay

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary