Ngayon, hindi natin ipinalalagay na itong unang pagkabuhay na mag-uli, na winika sa ganitong paraan, ay maaaring ang pagkabuhay na mag-uli ng mga kaluluwa at ang kanilang pagkakatalaga sa kaligayahan o kalungkutan. Hindi mo maipalalagay na ito ang ibig sabihin nito.
Masdan, sinasabi ko sa iyo, Hindi; ngunit ang ibig sabihin nito ay muling pagsasanib ng kaluluwa sa katawan, ng mga yaong mula pa noong mga araw ni Adan hanggang sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo. Ngayon, kung ang mga kaluluwa at katawan ng mga yaong nabanggit ay muling magsasama kaagad, ang masasama gayundin ang mabubuti, hindi ko sinasabi; maging sapat nang sinabi ko na silang lahat ay magbabangon, o sa ibang salita, ang kanilang pagkabuhay na mag-uli ay mangyayari bago ang pagkabuhay na mag-uli ng mga yaong nangamatay pagkaraan ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo.