Alma 40:25–26

At sa gayon ang mabubuti ay magniningning sa kaharian ng Diyos. Ngunit masdan, isang kakila-kilabot na kamatayan ang sasapit sa masasama; sapagkat sila ay mamamatay sa mga bagay na nauukol sa mga bagay ng kabutihan; sapagkat sila ay marurumi, at walang maruming bagay ang maaaring magmana ng kaharian ng Diyos; kundi sila ay itatakwil, at itatadhanang makibahagi sa bunga ng kanilang mga pagpapagal at kanilang mga gawa, na naging masama; at kanilang iinumin ang latak sa isang mapait na saro.

From section: Ang Muling Pagkabuhay

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary