Alma 41:1–2

At ngayon, anak ko, kahit paano ako ay may sasabihin hinggil sa panunumbalik na nasabi na; [i]3102[/i] sapagkat masdan, sinalungat ng iba ang mga banal na kasulatan, at nangaligaw nang labis dahil sa bagay na ito. At nahihiwatigan ko na ang iyong isip ay nabalisa rin hinggil sa bagay na ito. Ngunit masdan, ito ay aking ipaliliwanag sa iyo. Sinasabi ko sa iyo, anak ko, na ang plano ng panunumbalik ay hinihingi ng katarungan ng Diyos; sapagkat kinakailangan na ang lahat ng bagay ay manumbalik sa kanilang wastong kaayusan. Masdan, ito ay kinakailangan at makatarungan, alinsunod sa kapangyarihan at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, na ang kaluluwa ng tao ay manumbalik sa kanyang katawan, at ang bawat bahagi ng katawan ay manumbalik sa sarili nito.

From section: Ang Konsepto ng "Panunumbalik"

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary