At hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang mga tao ay nararapat hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa; at kung ang kanilang mga gawa sa buhay na ito ay mabuti, at ang mga pita ng kanilang mga puso ay mabuti, sila rin, sa huling araw, ay manunumbalik doon sa mabuti. At kung ang kanilang mga gawa ay masama, ito ay manunumbalik sa kanila sa masama. Anupa’t lahat ng bagay ay manunumbalik sa kanilang wastong kaayusan, bawat bagay sa kanyang likas na anyo—ang may kamatayan ay magbabangon sa kawalang-kamatayan, kabulukan sa walang kabulukan—magbabangon sa walang katapusang kaligayahan upang magmana ng kaharian ng Diyos, o sa walang katapusang kalungkutan upang magmana ng kaharian ng diyablo, ang isa ay sa isang dako, at ang isa ay sa kabila—