At ngayon, anak ko, lahat ng tao na nasa likas na kalagayan, o ang ibig kong sabihin, sa isang makamundong kalagayan, ay nasa kasukdulan ng kapaitan at nasa mga gapos ng kasamaan; sila ay walang Diyos sa daigdig; at sila ay tumaliwas sa katangian ng Diyos; anupa’t sila ay nasa kalagayang taliwas sa likas na kaligayahan. At ngayon masdan, ang kahulugan ba ng salitang panunumbalik ay kunin ang isang bagay na nasa likas na kalagayan at ilagay ito sa isang di likas na kalagayan, o ilagay ito sa isang kalagayang kabaligtaran ng kanyang kalikasan?