At ngayon masdan, anak ko, huwag nang makipagsapalaran ng isa pang paglabag laban sa iyong Diyos doon sa mga bahaging iyon ng doktrina, na iyo ngayong ipinakipagsapalaran sa paggawa ng kasalanan. Huwag mong ipalagay, dahil sa sinabi ang hinggil sa panunumbalik, na ikaw ay manunumbalik mula sa kasalanan tungo sa kaligayahan. Masdan, sinasabi ko sa iyo, ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.