At sa gayon ating nakikita na may isang panahong ipinagkaloob sa tao upang magsisi, [i]1673[/i] oo, isang panahon ng pagsubok, isang panahon upang magsisi at maglingkod sa Diyos. Sapagkat masdan, kung iniunat kaagad ni Adan ang kanyang kamay, at kumain sa punungkahoy ng buhay, siya ay maaaring nabuhay magpakailanman, alinsunod sa salita ng Diyos, nang walang puwang sa pagsisisi; oo, at gayon din, ang salita ng Diyos ay mawawalan ng kabuluhan, at ang dakilang plano ng kaligtasan ay mabibigo.