Alma 42:17–21

Ngayon, paano ang isang tao ay magsisisi maliban kung siya ay nagkasala?
_Paano siya magkakasala kung walang batas?
_Paanong magkakaroon ng batas maliban kung may kaparusahan?
_Ngayon, may kaparusahang kaakibat, at isang makatarungang batas na ibinigay,
_na nagdadala ng taos na paggigiyagis ng budhi ng tao.

Ngayon, kung walang batas na ibinigay—
_kung ang isang tao ay pumaslang siya ay mamamatay—
_siya ba ay matatakot na siya ay mamatay kung siya ay pumaslang?
_At gayon din, kung walang batas na ibinigay laban sa kasalanan,
_ang tao ay hindi matatakot na magkasala.

At kung walang batas na ibinigay,
_kung ang tao ay magkasala, ano ang magagawa ng katarungan, o maging ng awa,
_sapagkat ang mga ito ay hindi magkakaroon ng karapatan sa nilikha.

From section: Hustisya at Awa

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary