Alma 42:24–26

Sapagkat masdan, isinasagawa ng katarungan ang lahat ng kanyang hinihingi,
_at inaangkin din ng awa ang lahat ng kanya;
_at sa gayon walang maliligtas kundi ang tunay na nagsisisi.

Ano, iyo bang ipinalalagay na ang awa ay makaaagaw sa katarungan? Sinasabi ko sa iyo, Hindi; kahit isang kudlit. Kung magkakagayon, ang Diyos ay titigil sa pagiging Diyos. At sa gayon isinasagawa ng Diyos ang kanyang dakila at mga walang hanggang layunin, na inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig. At sa gayon dumating ang kaligtasan at katubusan ng mga tao, at gayundin ang kanilang pagkalipol at kalungkutan.

From section: Hustisya at Awa

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary