Alma 39:9–11

Ngayon anak ko, nais ko na ikaw ay magsisi at talikuran ang iyong mga kasalanan, [i]1670[/i] at huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata, kundi pigilin mo ang iyong sarili sa mga bagay na ito; sapagkat maliban kung gagawin mo ito ay hindi ka sa ano mang paraan magmamana ng kaharian ng Diyos. O, pakatandaan, at iyong isaloob, at pigilin ang iyong sarili sa lahat ng bagay na ito.

At iniuutos ko sa iyo na iyong isaloob na sumangguni sa iyong mga nakatatandang kapatid sa iyong mga gawain; sapagkat masdan, ikaw ay nasa iyong kabataan, at ikaw ay nangangailangang alagaan ng iyong mga kapatid. At makinig ka sa kanilang mga payo.

Huwag pahintulutan ang iyong sarili na maakay sa anumang walang halaga o hangal na bagay; huwag pahintulutan na ang diyablo ay muling akayin ang iyong puso na humabol doon sa masasamang patutot. Masdan, o anak ko, anong laking kasamaan ang dinala mo sa mga Zoramita; sapagkat nang makita nila ang iyong inaasal ay hindi sila naniwala sa aking mga salita. [i]1671[/i]

From section: Ang Pagkakasala ni Korianton

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary