Sapagkat nahihiwatigan ko na kayo ay nasa mga landas ng kabutihan;
_nahihiwatigan kong kayo ay nasa landas
_na patungo sa kaharian ng Diyos;
Oo, nahiwatigan ko na ginagawa ninyong tuwid ang kanyang mga landas.
Nahihiwatigan ko na ito ay ipinaalam sa inyo,
_sa pamamagitan ng patotoo ng kanyang salita,
Na hindi siya makalalakad sa paliku-likong landas.
Ni nagbabagu-bago siya mula sa mga yaong sinabi niya.
Ni siya ay may anino ng pagliko mula sa kanan patungo sa kaliwa,
_o mula sa yaong tama tungo sa yaong mali;
Anupa’t ang kanyang hakbangin ay isang walang hanggang pag-ikot.