Alma 36:29–30

At parati kong pinananatili sa aking alaala ang kanilang naging pagkabihag; oo, nararapat mo ring panatilihin sa alaala, tulad ng ginawa ko, ang kanilang naging pagkabihag.

Subalit masdan, anak ko, hindi lamang ito; sapagkat nararapat mong malaman na tulad ko, na habang sinusunod mo ang mga kautusan ng Diyos ikaw ay uunlad sa lupain; at nararapat mo ring malaman, na habang hindi mo sinusunod ang mga kautusan ng Diyos ikaw ay itatakwil mula sa kanyang harapan. Ngayon, ito ay ayon sa kanyang salita.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary