At ako’y tinulungan
_sa ilalim ng mga pagsubok at suliranin ng lahat ng uri,
_oo, at sa lahat ng uri ng paghihirap.
oo, pinalaya ako ng Diyos mula sa bilangguan,
_at mula sa mga gapos, at mula sa kamatayan.
oo, at ibinibigay ko ang aking tiwala sa kanya,
_at ako’y patuloy niyang ililigtas.
At nalalaman ko na ako’y kanyang ibabangon sa huling araw,
_upang manahanang kasama niya sa kaluwalhatian.
Oo, at pupurihin ko siya magpakailanman,
_sapagkat inilabas niya ang ating mga ama sa Egipto,
_at ipinalamon niya ang mga taga-Egipto sa Dagat na Pula;
_at kanyang inakay sila ng kanyang kapangyarihan tungo sa lupang pangako.
Oo, at kanyang pinalaya sila
_mula sa pagkaalipin at pagkabihag
_sa pana-panahon.
Oo, at inilabas din niya ang ating mga ama
_sa lupain ng Jerusalem.
At pinalaya rin niya sila, sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang kapangyarihan,
_sa pagkaalipin at pagkabihag,
_sa pana-panahon, maging hanggang sa ngayon;