Alma 36:24–26

Oo, at magmula noon maging hanggang sa ngayon, ako’y gumawa nang walang tigil, upang makapagdala ako ng mga kaluluwa tungo sa pagsisisi; [i]1663[/i] upang sila’y madala ko na makatikim ng labis na kagalakan na aking natikman; upang sila rin ay isilang sa Diyos, at mapuspos ng Espiritu Santo. Oo, at ngayon masdan, O anak ko, binigyan ako ng Panginoon ng labis na kagalakan sa bunga ng aking mga pagpapagal;

Sapagkat dahil sa salitang ibinahagi niya sa akin, masdan, marami ang isinilang sa Diyos, at nakatikim tulad ng natikman ko, at nakakita nang mata sa mata tulad ng nakita ko; anupa’t nalalaman nila ang mga bagay na ito na sinasabi ko, tulad ng pagkaalam ko; at ang kaalamang taglay ko ay sa Diyos.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary