Alma 30:30–31

At ito ay nangyari na, nang siya ay dalhin sa harapan ni Alma [i]1176[/i] at ng punong hukom, siya ay nagpatuloy sa gayon ding pamamaraan tulad ng kanyang ginawa sa lupain ng Gedeon; oo, siya ay nagpatuloy sa paglapastangan. At siya ay nangusap sa lumalakas na pananalita sa harapan ni Alma, at nilait ang mga saserdote at guro, pinararatangan sila ng pag-aakay palayo sa mga tao alinsunod sa mga hangal na kaugalian ng kanilang mga ama, sa kasiyahan ng pagpapakasawa sa mga pinagpagalan ng mga tao.

From section: Pakikipagpalitan Kay Alma sa Zarahemla

From page: Si Korihor ang Anti-Kristo

Commentary