Alma 30:44–45

Subalit sinabi ni Alma sa kanya:

May sapat ka nang mga palatandaan; [i]1631[/i] tutuksuhin mo ba ang iyong Diyos? Sasabihin mo ba, Magpakita ka sa akin ng palatandaan, bagaman taglay mo ang patotoo ng lahat ng ito na iyong mga kapatid, at gayon din ang lahat ng banal na propeta?

Ang mga banal na kasulatan ay nakalahad sa iyong harapan, oo, at ang lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos; [i]1632[/i] oo, maging ang mundo, at lahat ng bagay na nasa ibabaw nito, oo, at ang pag-inog nito, oo, at gayon din ang lahat ng planetang gumagalaw sa kanilang karaniwang ayos ay nagpapatunay na may Kataas-taasang Tagapaglikha.

At gayon pa man, nagpalibut-libot ka, inaakay palayo ang mga puso ng mga taong ito, nagpapatotoo sa kanila na walang Diyos? At gayon man magkakaila ka ba laban sa lahat ng katunayang ito?

From section: Palatandaan Kay Korihor

From page: Si Korihor ang Anti-Kristo

Commentary