Alma 30:46–47

At ngayon ito ay nangyari na, na sinabi ni Alma sa kanya:

Masdan, ako ay nalulungkot dahil sa katigasan ng iyong puso, [i]1633[/i] oo, dahil sa iyo pa ring tinitikis ang diwa ng katotohanan, upang ang iyong kaluluwa ay mawasak.

Subalit masdan, higit na mabuti na ang iyong kaluluwa ay mawala kaysa sa ikaw ang maging sanhi ng pagdadala sa maraming kaluluwa tungo sa pagkawasak, sa pamamagitan ng iyong pagsisinungaling at sa pamamagitan ng iyong mahihibong salita; kaya nga, kung muli kang magkakaila, masdan, parurusahan ka ng Diyos, na magiging pipi ka, upang hindi mo na mabuksan pa kailanman ang iyong bibig, nang hindi mo na malinlang pa ang mga taong ito.

From section: Palatandaan Kay Korihor

From page: Si Korihor ang Anti-Kristo

Commentary