Subalit masdan, ako ay nalinlang ng diyablo; sapagkat siya ay nagpakita sa akin sa kaanyuan ng isang anghel, at sinabi sa akin:
‘Humayo at bawiin ang mga taong ito,
_sapagkat nangaligaw silang lahat
_sa pagsunod sa isang di kilalang Diyos’At sinabi niya sa akin:
‘Walang Diyos.’
Oo, at tinuruan niya ako ng nararapat kong sabihin. At itinuro ko ang kanyang mga salita; at itinuro ko ang mga ito dahil sa kasiya-siya ang mga ito sa makamundong isipan; at itinuro ko ang mga ito, maging hanggang sa makamtan ko ang malaking tagumpay, hanggang sa ako ay katotohanang naniwala na ang mga ito ay totoo; at dahil dito kinalaban ko ang katotohanan, maging hanggang sa ipataw ko ang malaking sumpang ito sa akin.