Sinasabi ko sa iyo, anak ko, na ako ay nagkaroon na ng labis na kagalakan sa iyo, dahil sa iyong katapatan at iyong pagkamasigasig, at iyong tiyaga at iyong mahabang pagtitiis sa mga tao ng mga Zoramita. Sapagkat nalalaman kong ikaw ay iginapos; [i]1667[/i] oo, at nalalaman ko ring pinagbabato ka dahil sa salita; at tiniis mo ang lahat ng bagay na ito nang may pagtitiyaga dahil sa kasama mo ang Panginoon; at ngayon nalalaman mong iniligtas ka ng Panginoon.
At ngayon anak ko, Siblon, nais kong pakatandaan mo, na habang ibinibigay mo ang iyong lubos na tiwala sa Diyos ikaw ay maliligtas mula sa iyong mga pagsubok, at iyong mga suliranin, at iyong mga paghihirap, at dadakilain ka sa huling araw.