Alma 5:16–20

Sinasabi ko sa inyo, naiisip ba ninyo sa inyong sarili na naririnig ninyo ang tinig ng Panginoon, na sinasabi sa inyo sa araw na yaon:

‘Lumapit sa akin kayong mga pinagpala,
_sapagkat masdan, ang inyong mga gawa ay mga gawa ng kabutihan
_sa balat ng lupa.’

O iniisip ba ninyo sa inyong sarili na kayo ay makapagsisinungaling sa Panginoon sa araw na yaon, at makapagsasabing:

‘Panginoon, ang aming mga gawa ay naging _mabubuting gawa sa balat ng lupa’

At sa gayon ililigtas niya kayo?

O kaya naman, naiisip ba ninyo ang inyong sarili na dinala sa harapan ng hukuman ng Diyos, na ang inyong mga kaluluwa ay puno ng pagkakasala at paggigiyagis, na may alaala ng lahat ng inyong pagkakasala, oo, isang ganap na alaala ng lahat ng inyong kasamaan, oo, isang alaala na inyong ginawang labagin ang mga kautusan ng Diyos?

Sinasabi ko sa inyo, kayo ba ay makatitingala sa Diyos sa araw na yaon nang may dalisay na puso at malinis na mga kamay? Sinasabi ko sa inyo, kayo ba ay makatitingala na ang larawan ng Diyos ay nakaukit sa inyong mga mukha? Sinasabi ko sa inyo, kayo ba ay nag-aakalang maliligtas kung naisuko ninyo ang sarili na maging mga sakop ng diyablo?

From section: Pagsalubong sa Diyos sa Araw ng Paghuhukom

From page: Ang Sermon ni Alma para sa Simbahan sa Zarahemla

Commentary