O kayong mga manggagawa ng kasamaan; kayong nagmamataas sa mga walang kabuluhang bagay ng daigdig, kayo na nagkukunwaring nakaaalam sa mga landas ng kabutihan, gayunman ay mga nangaligaw, na tulad ng mga tupang walang pastol, sa kabila nang ang pastol ay tumawag sa inyo, at tumatawag pa rin sa inyo, subalit ayaw kayong makinig sa kanyang tinig! Masdan, sinasabi ko sa inyo, na ang mabuting pastol ay tumatawag sa inyo; [i]1170[/i] oo, at sa kanyang sariling pangalan kayo ay tinatawag niya, na ang pangalan ay Cristo; at kung hindi kayo makikinig sa tinig ng mabuting pastol, sa pangalang itinatawag sa inyo, masdan, kayo ay hindi mga tupa ng mabuting pastol.