At ito ay nangyari na, na sila ay humayo, at nagsimulang ipangaral ang salita ng Diyos sa mga tao, pumapasok sa kanilang mga sinagoga, at sa kanilang mga tahanan; oo, at maging sa kanilang mga lansangan ay ipinangangaral nila ang salita.
At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming pagpapagal sa kanila, sila ay nagsimulang magkaroon ng tagumpay sa mga maralitang antas ng mga tao, sapagkat masdan, sila ay itinaboy palabas ng sinagoga dahil sa kagaspangan ng kanilang mga kasuotan—
Anupa’t sila ay hindi pinahintulutang pumasok sa kanilang mga sinagoga upang sumamba sa Diyos, sapagkat itinuturing na karumihan; dahil sa sila ay mga maralita; oo, sila ay itinuturing ng kanilang mga kapatid na kagaya ng taing bakal; dahil sa sila ay kapos sa mga bagay ng daigdig; at gayundin sila ay may mababang-loob.
Sinasabi ko sa iyo, anak ko, na ako ay nagkaroon na ng labis na kagalakan sa iyo, dahil sa iyong katapatan at iyong pagkamasigasig, at iyong tiyaga at iyong mahabang pagtitiis sa mga tao ng mga Zoramita. Sapagkat nalalaman kong ikaw ay iginapos; oo, at nalalaman ko ring pinagbabato ka dahil sa salita; at tiniis mo ang lahat ng bagay na ito nang may pagtitiyaga dahil sa kasama mo ang Panginoon; at ngayon nalalaman mong iniligtas ka ng Panginoon.
Ngayon, habang si Alma ay nagtuturo at nagsasalita sa mga tao sa burol ng Onidas, doon ay nagsilapit sa kanya ang napakaraming tao, sila na aming sinasabi na may mga mababang-loob, dahil sa kanilang kakapusan sa mga bagay ng daigdig.
At sila ay lumapit kay Alma; at ang isa na nangunguna sa kanila ang nagsabi sa kanya:
Masdan, ano ang gagawin ng mga kapatid kong ito, sapagkat sila ay hinahamak ng lahat ng tao dahil sa kanilang kahirapan, oo, at lalong higit ng aming mga saserdote; sapagkat kami ay itinaboy palabas ng aming mga sinagoga na aming pinagpagalan nang labis upang itayo ng aming sariling mga kamay; at kami ay itinaboy nila palabas dahil sa aming labis na kahirapan; at kami ay walang lugar na sumamba sa aming Diyos; at masdan, ano ang aming gagawin?
At ngayon, nang marinig ito ni Alma, kanya siyang binalingan, na ang kanyang mukha ay malapit sa kanya, at pinagmasdan siya nang may malaking kagalakan; sapagkat kanyang namasdan na ang kanilang mga paghihirap ay tunay na nakapagpakumbaba sa kanila, at na sila ay handa nang pakinggan ang salita.
Kaya nga, hindi na siya nagsalita pa sa iba pang mga tao; kundi iniunat niya ang kanyang kamay, at sumigaw roon sa kanyang mga namasdan, na mga tunay na nagsisisi, at sinabi sa kanila: